Posts

Sarili

Image
        Kagaya ng huling blog kong ito, huli na naman ulit ako. Kahit ganoon, sana naman ay magawa niyo pa ring basahin/pakinggan ang kwento ko tungkol sa aking sarili dahil ika nga ng karamihan, " There's more to me than what meets the eye."         Ako ay ipinanganak bilang si Jona Louise Elopre Valdehueza noong Setyembre 26, 2004 sa Rural Health Unit. Ang palayaw ko pala ay Isy. Ang aking mga magulang ay sina Maria Lisa E. Valdehueza at si Jonathan T. Valdehueza. Ang aking mga magulang ay hindi talaga taga-Dipolog. Si Mommy ay lumaki sa probinsya ng Polanco at si Daddy naman ay galing sa siyudad ng Tangub. Ngayon, kami ay nakatira sa 017 Kalye ng Echavez, Barangay Estaka, Siyudad ng Dipolog.     Ang sabi sa'kin ni Mommy, hindi naman Mommy at Daddy ang tawag namin sa kanila noon kaso nga lang, echosera 'tong panganay kong kuya at nagpumilit na tawagin silang Mommy at Daddy. Ay, hindi pa pala ako nagkukwento tungkol sa am...